Lalaki Patay Dahil Hindi Alam ang Kantang ‘Nobody’

SINAKSAK sa tiyan at pinalo sa ulo hanggang mamatay si Leo Santos, 28, ng apat na lalaki sa Tondo, Manila. Iniwan pa ang patalim sa katawan ng biktima na ang tanging kasalanan ay ’di niya alam ang kantang ‘Nobody’ ng Wonder Girls.

(Leo Santos, 28, has been knifed in the stomach and beaten in the head to death by four men in Tondo, Manila. Yet left the knife in the victim’s body that the only fault is he does not know the song ‘nobody’  by Wonder Girls.)
Si Santos, electrician, ng Callejon 1, Block 1, Lot 19, Corregidor St., Mahomas Compound, Tondo, Manila, ay sinaksak ng dalawang beses sa tiyan at pinagbubugbog noong Agosto 26 sa Tondo. Siya ay namatay  Huwebes sa Jose Memorial Medical Center.

(Santos, electrician, of callejon 1, Block 1, Lot 19, St. Corregidor., Mahomas Compound, Tondo, Manila, has been knifed twice in the stomach and bruise on August 26 in Tondo. He died Thursday in JOse Memorial Medical Center.)
Pinaghahanap na ngayon ng Manila Police District-Homicide Section ang mga suspek na nakilalang sina Jansen Maglanque, Jonar Balagtas, Rodolfo Aguas at alias Joseph, mga residente ng Pilar Street sa Tondo. Sila ay nahaharap sa kasong murder sa City Prosecutor’s Office.

(Manila Police District-Homicide Section is now searching for the suspect identified as Maglanque Jansen, Jonar Bandung, Rodolfo and Aguas alias Joseph, residents of Pilar Street in Tondo. They are facing murder case in the City Prosecutor’s Office.)
Ayon sa imbestigasyon, naglalakad si Santos bandang 2 a.m. noong Agosto 26 nang madaanan niya ang apat na suspek sa Corregidor St.

(According to investigation, Santos was walking around 2 am on August 26 when he passed the four suspects in Corregidor St.)
Kumakanta umano si Joseph ng ‘Nobody’, ang popular na kanta ng Wonder Girls, nang tanungin siya ng biktima ng, “Ano ang kinakanta mo?”

(Joseph alleged singing of ‘Nobody’, the popular song of Wonder Girls, he asked the victim, “What are you singing?”)

Nairita diumano ang isa sa mga suspek dahil ’di alam ni Santos ang kanta kung kaya’t sinuntok niya ito. Nakihalo na ang tatlo pang suspek at kinuyog ang biktima.

(One of the suspect got irritate because Santos did not know the song so he punched it. The three other suspects joined and beat the victim.)

Isa sa mga suspek ay sinaksak si Santos sa tiyan ng dalawang beses, pagkatapos ay tumakas kasama ng iba pa. Ang kaso ay inireport lang kahapon sa pulisya ng pamilya ng biktima dahil naging abala umano sila sa pagpapagamot at pagpapalibing nito.

(One of the suspects was thrust into Santos’ belly two times, then fled with the others. The case is reported to the police only yesterday by the  family of the victim because they allegedly wrapped the treatment and burial.)

From: People’s Tonight, September 5, 2009

Advertisements

27 thoughts on “Lalaki Patay Dahil Hindi Alam ang Kantang ‘Nobody’

  1. this is why i like demand to have capital punishment reinstated. people who don’t have any qualms of killing people should be neutralized and eliminated from the society who values respect and safety.

  2. yan ang tinatawag na “namatay ng walang kabuhaybuhay ”
    or you can say “namatay ng walang kakwenta kwenta” but 1st sentence sounds better diba 😀

  3. Natatawa pa kayo? siguro sa mga subdivision kayo nakatira? dito kayo sa tondo at baka hindi kayo matawa sa makikita at mangyayari sa nyo…

  4. mga tao ngayon wala masyadong common sense ! unting bagay lng pinapalaki na. ganyan na ba tlg kakitid ang mga utak ng ibang tao? >O< tsk tsk tsk..

  5. i heard it sa news. diba hindi gawain ng matinong tao ang pumatay sa kapwa tao. dapat gumawa ng aksyon ang gobyerno dahil dumadami na ang krimenal/masasamang tao sa ating bansa. 🙂

  6. `kawawa naman ung guy nyun na namatay,wala nga siyang kaALam-alam sa kantang yun,tapos pnatay siya kagad..eh pero,sikat dba ang kantang nobody???bkit hindi niya alam?cguru,dh siya nanonood ng tv at hindi nakikinig sa radio..sa bagay bka hindi cla ngkaintindihan,akala cguru ng suspek pinagtatawanan siya ng biktima,nairita 2loy siya,kaya sinaksak nya ung guy..


    madami tlagang namamatay s maling akala!!
    dba??

  7. hmmm.. SIGURO.. lasing o naka-droga yung tatlo (syempre. di naman gagawa ng katarantaduhan ang isang taong nasa tamang kaisipan.). tapos.. mali yung pagkakakanta niya ng “nobody” (kasi nga lasing). tapos pinagtripan pa nung biktima yung lasing na kumakanta. tinanung niya kasi kung ano title. edi ang dating nun,di niya maintindihan yung kinakanta nung lasing. edi syempre na-insulto yung lasing. at ayun! patay kang bata ka. :))

    MORAL LESSON of the story: wag lalapit sa lasing.

    1. ehhh.. nakakatawa naman talaga. when i first heard of the news, i laughed hard. as in!! but when i saw the mother crying, i had second thoughts about it and felt ashamed of myself. 😐

  8. haha :)) lols .. this is the most FUNNIEST article that I have read :)) lools .. OMG !!

    although I pity the family of the said guy that was killed..tsk.tsk it was so young of him to die..:)) lols..

    Lesson : THAT’S WHAT HAPPENS WHEN U DON’T TUNE IN TO MYX!!lols..ur NOT UPDATED!

  9. potek na nobody ng wonder girls..
    kakasura na..

    anonymous “k”, natawa ka pa sa article?
    sabi mo ipity the family tapos may smiley face at lol ka pang nalalaman?!?!
    may puso ka pa ba?

    😡

  10. parang yung “MY WAY” na kanta baga…may namatay na rin dahil lang sa kanta na yun…bakit nga kaya ..eh ang gaganda naman ng kanta…???

  11. ano ba yan. eh dito nga sa Korea dedma na ang mga tao sa song na yan dahil overrated na. wala bang magawa yung mga criminal na yun? dapat yang mga yan torturin at pakantahin ng Arirang hanggang wala na silang mga baga!

  12. This sounds funny. But because of that, the killers have no more future but jail, just because of a song. What a shallow way to lose your freedom. By the way, you might wanna look into your english translations.

    “One of the suspects was thrust into Santos’ belly two times, then fled with the others.” — I just found this too funny. In tagalog, “Sinaksak ang isa sa mga suspek sa tiyan ni Santos ng dalawang beses, pagkatapos ay tumakas kasama ng iba pa.” which is actually a world of a difference from the actual translation.

    There are also many more here. I just want to point it out, nothing else. It’s for the benefit of other readers as well. Please don’t take it the wrong way. 🙂

  13. I laughed at the title but as i read this news its not that funny anymore…
    I feel sorry for that guy and his family

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s